NANAGHINIP SA PANAGHINIP
Madilim na sa aking akala, sa isang kwartong kinahihimlayan.
Mainit na dumadaloy sa mabigat kong ulo, pero nanlalamig ang aking buong
katawan at tila hindi ko ito nakokontrola. Nanlalabo aking paningin at maraming
tao sa aking paligid. Nagsasalita’t nagtatanong ngunit hindi ko marinig.
Kumuryente ang buo kung katawan at walang nararamdaman. Hanggang ang liwanag sa
aking paligid ay nagiging madilim…
Parang isang tulo ng tubig aking naririnig sa kadiliman ng
kapaligiran. Isang hanging sinasakal aking leeg. Biglang may liwanag na init sa
paligid, nakakasilaw na tumama sa aking paningin may taong nag sasalita.
Pamilyar ang boses ngunit hindi maaninag kung sino nagsasalita. Hanggang itoy
unti-unting bumubuo…
Naalala ko ito! wari ko. Nangyari na ito ngunit hindi ko
naaalala. Alam ko ang sitwasyon at alam ko ang mga linya nang sinasabi. Ito ba
ay flashback? Hanggang nabuo ko ang sitwasyon na iyon. Tila nanghihina ako sa
mga nakita ko. Dumadaloy nalang aking luha na tila nagsisisi sa mga nagawa.
Hanggang lumamig nanaman ang paligid. Lamig na parang nakakapasong yelo sa
isang kadiliman… Hanggang may isang liwanag sa kalayuan at nilapitan ko ito.
Isang ala-ala nanaman sino nanaman ang taong ito tanong ko. Pamilyar mga boses
nila at mga mukha pero hindi ko natatandaan mga pangalan nila. Sino ba sila?
Bakit ang sakit tuwing ito’y naalala ko. Bakit hindi ko sila nakikilala… “Pasko
ito ngunit parang malungkot nararamdaman ko, habang sa paligid nagsasaya.”
Ilang liwanag din ang dumaan sa akin, bawat liwanag ay may
init na madadama… at habang sa dilim
naman ay grabeng lamig. Bawat liwanag ay may distansya palayo nang palayo ang
bawat agwat nito. At habang matapos ang bawat eksina ng ala-ala sa eksina. Ang
liwanag ay parang nawawala. Ngunit kahit isang ala-ala ay hindi ko nakikilala
mga taong kaharap ko. Hindi ko alam kung bakit nabibigkas ko mga kataga na
hindi ko naman ito gustong sambitin. ALA-ALA ko ba ito? Mukhang pamilyar naman
ang sitwasyon, at natatandaan ko pa mga iyon. Pero bakit wala akong naaalala sa
bawat taong nagpapakita sa mga iyon.
Nakakapagod maglakad sa isang madilim at tila nagyeyelo sa
lamig na lugar. Nakakabingi ang katahimikan at ang kasunod na liwanag ay
sobrang layo. Ang kagustuhan ko lang ay makarating sa susunod na liwanag para
makaramdam na naman ng init sa paligid ng isang ala-alang hindi ko na halos
natatandaan ngunit bumabalik pa rin sa ala-ala.
Ala-alang waring pabata ako ng pabata. Mga kaibigan ko noon
na hindi ko na naaalala. Ang liwanag na paiksi nang paiksing ala-ala. Nanlalamig
na ang buo kung katawan at malayo pa ang lalakbayin ko para lang makadama ng
init sa isang maikling ala-ala.
Natumba ako sa sobrang lamig at hindi na halos makakagalaw
sa sobrang nginig na nadarama katawan ko…
Sino kaya ang taong nasa kalayuan? Anino lang aking nakikita
galling sa isang liwanag. Tila naglalakad patungo sa aking kinahihigaan.
“tulong… isang mahinang ungol na kayak o lang sambitin.” Ang tagal, ilang beses
na ako naka-idlip. Ngunit parang ang layo pa rin… dahil ang liwanag na nakikita
ko lang ay isang liwanag na kasing laki
pa sa butas ng karayom…
“Saan ba ako, bakit ba ako na padpad sa lugar na ito? Ito ba
ay isang panaghinip? Ngunit kahit anong gawin ko totoo pa sa panaghinip ang
nadarama at nakikita ko.”
Ito na ba ang sinasabi nila? Ito na ba ang huling yugto ng
aking buhay? Pinilit kong tumayo sa abot kung magawa. At naglalakad patungo sa
maliit na liwanag kung saan may taong sasalubong sa akin. Pilit gapangin at
tumayo para lang makarating sa lugar ng liwanag. Nawalan ako ng malay.
Sa aking pagising nakita ko ang taong nakita ko kanina. Mukhang
pamilyar boses at pagmumukha pa lang ay parang matagal ko na siyang kilala at
nakakasalamuha.
“Bago ka magsalita, iwasan mong magtanong… sabi nang lalaki
sa akin.”
Sinabi nya ang dahilan, mga dahilan na hindi ko daw pwedeng
ipagsasabi sa kahit kanino dito sa mundo.
Lahat daw ng nakita ko sa mga liwanag ay aking mga ala-ala. mga
ala-alang importanteng naganap sa buhay ko. Mga ngiti, tamis, hirap at pait na
dinanas ko. Lahat nang ala-ala ay isang kayamanan nang tao sa sila’y nabubuhay
pa. mga ala-alang hindi pwedeng palitan ng anong kayamanan sa mundo. Pero kapag
tayo ay namayapa na ang mga ala-ala na ito ay isang kabayaran sa pag-entra sa
kabilang buhay. Kaya pala hindi ko maaalala o nakikilala mga ala-alang ito. Dahil
sa itoy hindi na atin. Hindi na pala natin ito pwedeng dalhin sa kabilang buhay.
Nagtagal ako at nagmasid sa kapaligiran. Ngunit hindi ako
pinapaalis kung san ako nakatayo. Sinabi nya sa akin. “Alam mo bang sa yugtong
ito ay pwede ka mag-desisyon?” hindi ako umimik dahil kung magsalita ako may
kasama itong tanong.
Ipinakita niya lahat nang hirap at pait sa aking buhay. Lahat
nang itoy parang totoong anduon ako sa bawat eksina na bumabalik. Sakit at
hapdi ang mga nararamdaman ko. Ito ay ang mga ala-alang pinilit kong kalimutan.
Bumigat ang loob ko at akoy napaluhod at umiiyak pagkatapos sa nakita ko.
“Mabuting huwag ka ng magsalita. Pilitin mong huwag
magtanong. Sabi ng lalaki.”
Ipinakita nya sa akin ang isang liwanag. Isang ala-ala na
hindi niya ipinakita. Tinitigan ko ito. Ngunit alam niya nga interesado ako
nito. “Alam ko, ang ala-alang ito ay ang pinakamahalaga sa iyo. Pero hinding-hindi
mo pwede itong silipin. Sabi niya.”
Gusto mo bang bumalik para malaman ang laman nang ala-alang
ito? O dumito ka na lang habang buhay. Walang ibang alalahanin at kaya mong
gawin lahat ng gusto mo. Hinding-hindi ka na mahihirapan at hinding-hindi mo na
mararanasan lahat ng pait nararanasan mo sa mundo. Pero ang kapalit ay lahat ng
mga ala-ala mo.
Pait, hirap, sakit, kahihiyan at kung ano pang nadarama ko
sa mga pinakita niyang ala-ala sa akin. Lahat nang ito ay poro negatibo. Gusto niya
akong panghinaan nang loob para lang mapasakanya ang natitirang kayamanan ko sa
mundo.
Hindi ako umimik dahil wala talaga akong naaalala kahit na isang pakiramdam. Sa mundong
iyon ay wala akong nararamdaman ni lungkot o kasiyahan. Makararamdam lang ako
sa tuwing ipapakita niya sa akin ang mga ala-alang hindi ko alam kung itoy sa
akin ba. Marami akong mga tanong ngunit hindi ko maisip-isip. Dahil wala akong
naaalala kahit isa. Hindi ko alam kong akoy nanaghinip o totoo ba ang nakikita
ko.
Lumapit ang lalaki sa akin na tela ay alam niyang iniisip
ko. Sinasabi niyang may kulang pa sa akin bago pitasin. Hindi pa daw ako hinog
at marami pa akong gustong matutunan. Hindi pa daw ako pwedeng husgahan dahil
sa ako ay kulang pa ang nadaranasan. Iniabot niya sa akin ang isang liwanag na
kanina nyang ipinakita. Sa pag-abot ko isang pakiramdam ang aking nadarama
isang ala-ala na gusto kung maaasam. Lahat ay naalala ko na. Isang hiwaga na
parang nabuhay ang loob ko. Sa sarap hanggang sa pinakamapait ay andun na.
Nakita ko sa liwanag na iyon ang mahal ko sa buhay, mga
kaibigan, mga nasaktan, mga nagging nakaaway at mga taong nagpapasakit sa akin.
Lahat ay kompleto, walang labis at walang kulang. Doon ko nakita kung san
mahirap mabuhay sa komplekadong mundo.
“May hiling ka ba? Sabi ng lalaki.” Meron po akong isang
tanong. Ang sabi ko.
“Alam mo ang kabayaran sa tuwing magtanong ka. Sabi nya.”
Opo… ang sagot ko. Bago ako nagtanong ay inisip ko muna ng mabuti ito.
“Pwede mo ba ipakita ang kapalaran ni ******************* para
baunin ko ito sa mundo? Ang tanong ko.”
“Ganyan ba talaga ka halaga ang taong ito sa iyo, kapalit sa
isang kabayaran?” Ang tanong ng lalaki. “Ang masasabi ko lang sa iyo sa ngayon
pa lang. hindi siya karapat dapat sa isang kabayaran inaaalay mo. Pero nasa iyo
ang desisyon”. Ang tuldok nya. Opo, ganon siya kahalaga sa akin, at kung
kabayaran man ay katumbas, malugod ko pong iaaalay.
“Pasensya ngunit hindi ko pwede ito ipakita, pero ipapasilip
ko sa iyo ang isang mahalagang bagay na magaganap sa kanya. Para hindi masayang
naman ang iyong kabayaran sa kapalit ng isang tanong.
Habang ipinasilip niya sa akin ang parte ng buhay. Bigla nalang
ako itunulak ng lalaki sa lungga na madilim. Hindi ko alam kung bakit niya
ginawa yun. Pero sa panahon na iyon takot lang ang naramdaman ko. Bumalik ako
sa madilim kung saan ko nakikita mga liwanag nang ala-ala. ang mga ito ay
nagsisilbing unan na nagsasalo sa akin. Na parang ako’y nagigising sa isang bangungot.
At kada gising ko ay nahuhulog nanaman ako. Paulit-ulit ito na parang
nagigising ka sa bawat bangungot. Parang natutulog ako bawat panaghinip. At ito
ang bangungot na gumigising sa akin….
Hanggang nagising na lang ako na parang hindi ko alam kung
ano ang nangyari. Mabigat ang ulo ko at hirap sa paghinga. Hidi ko maalala kung
ano talaga ang nangyari…
Ang una ko ngang naitanong.. “Saan na ako?”
Halos ilang araw na bago nanumbalik lahat nang nakita ko sa
isang bangungot.
Ang masasabi ko lang, Totoo pala… Makikita mo na lang sa
paligid mo ang mga ngiti nila na parang alam nila ang nangyari sa iyo. Sila ang
mga taong nakaranas din nito. Mga ngiti nang may isang sekreto tinatago, sa
iilan lang ang nakakaalam, sa mga swerteng taong nakapunta na sa isang bangungot
ng iba. Pero isang magandang panaghinip pala…