Thursday, August 15, 2013

NANAGHINIP SA PANAGHINIP
 by: T-shirt Na Kupas


Madilim na sa aking akala, sa isang kwartong kinahihimlayan. Mainit na dumadaloy sa mabigat kong ulo, pero nanlalamig ang aking buong katawan at tila hindi ko ito nakokontrola. Nanlalabo aking paningin at maraming tao sa aking paligid. Nagsasalita’t nagtatanong ngunit hindi ko marinig. Kumuryente ang buo kung katawan at walang nararamdaman. Hanggang ang liwanag sa aking paligid ay nagiging madilim…

Parang isang tulo ng tubig aking naririnig sa kadiliman ng kapaligiran. Isang hanging sinasakal aking leeg. Biglang may liwanag na init sa paligid, nakakasilaw na tumama sa aking paningin may taong nag sasalita. Pamilyar ang boses ngunit hindi maaninag kung sino nagsasalita. Hanggang itoy unti-unting bumubuo…

Naalala ko ito! wari ko. Nangyari na ito ngunit hindi ko naaalala. Alam ko ang sitwasyon at alam ko ang mga linya nang sinasabi. Ito ba ay flashback? Hanggang nabuo ko ang sitwasyon na iyon. Tila nanghihina ako sa mga nakita ko. Dumadaloy nalang aking luha na tila nagsisisi sa mga nagawa. Hanggang lumamig nanaman ang paligid. Lamig na parang nakakapasong yelo sa isang kadiliman… Hanggang may isang liwanag sa kalayuan at nilapitan ko ito. Isang ala-ala nanaman sino nanaman ang taong ito tanong ko. Pamilyar mga boses nila at mga mukha pero hindi ko natatandaan mga pangalan nila. Sino ba sila? Bakit ang sakit tuwing ito’y naalala ko. Bakit hindi ko sila nakikilala… “Pasko ito ngunit parang malungkot nararamdaman ko, habang sa paligid nagsasaya.”

Ilang liwanag din ang dumaan sa akin, bawat liwanag ay may init na madadama…  at habang sa dilim naman ay grabeng lamig. Bawat liwanag ay may distansya palayo nang palayo ang bawat agwat nito. At habang matapos ang bawat eksina ng ala-ala sa eksina. Ang liwanag ay parang nawawala. Ngunit kahit isang ala-ala ay hindi ko nakikilala mga taong kaharap ko. Hindi ko alam kung bakit nabibigkas ko mga kataga na hindi ko naman ito gustong sambitin. ALA-ALA ko ba ito? Mukhang pamilyar naman ang sitwasyon, at natatandaan ko pa mga iyon. Pero bakit wala akong naaalala sa bawat taong nagpapakita sa mga iyon.

Nakakapagod maglakad sa isang madilim at tila nagyeyelo sa lamig na lugar. Nakakabingi ang katahimikan at ang kasunod na liwanag ay sobrang layo. Ang kagustuhan ko lang ay makarating sa susunod na liwanag para makaramdam na naman ng init sa paligid ng isang ala-alang hindi ko na halos natatandaan ngunit bumabalik pa rin sa ala-ala.

Ala-alang waring pabata ako ng pabata. Mga kaibigan ko noon na hindi ko na naaalala. Ang liwanag na paiksi nang paiksing ala-ala. Nanlalamig na ang buo kung katawan at malayo pa ang lalakbayin ko para lang makadama ng init sa isang maikling ala-ala.
Natumba ako sa sobrang lamig at hindi na halos makakagalaw sa sobrang nginig na nadarama katawan ko…

Sino kaya ang taong nasa kalayuan? Anino lang aking nakikita galling sa isang liwanag. Tila naglalakad patungo sa aking kinahihigaan. “tulong… isang mahinang ungol na kayak o lang sambitin.” Ang tagal, ilang beses na ako naka-idlip. Ngunit parang ang layo pa rin… dahil ang liwanag na nakikita ko lang ay isang  liwanag na kasing laki pa sa butas ng karayom…

“Saan ba ako, bakit ba ako na padpad sa lugar na ito? Ito ba ay isang panaghinip? Ngunit kahit anong gawin ko totoo pa sa panaghinip ang nadarama at nakikita ko.”

Ito na ba ang sinasabi nila? Ito na ba ang huling yugto ng aking buhay? Pinilit kong tumayo sa abot kung magawa. At naglalakad patungo sa maliit na liwanag kung saan may taong sasalubong sa akin. Pilit gapangin at tumayo para lang makarating sa lugar ng liwanag. Nawalan ako ng malay.
Sa aking pagising nakita ko ang taong nakita ko kanina. Mukhang pamilyar boses at pagmumukha pa lang ay parang matagal ko na siyang kilala at nakakasalamuha.

“Bago ka magsalita, iwasan mong magtanong… sabi nang lalaki sa akin.”
Sinabi nya ang dahilan, mga dahilan na hindi ko daw pwedeng ipagsasabi sa kahit kanino dito sa mundo.

Lahat daw ng nakita ko sa mga liwanag ay aking mga ala-ala. mga ala-alang importanteng naganap sa buhay ko. Mga ngiti, tamis, hirap at pait na dinanas ko. Lahat nang ala-ala ay isang kayamanan nang tao sa sila’y nabubuhay pa. mga ala-alang hindi pwedeng palitan ng anong kayamanan sa mundo. Pero kapag tayo ay namayapa na ang mga ala-ala na ito ay isang kabayaran sa pag-entra sa kabilang buhay. Kaya pala hindi ko maaalala o nakikilala mga ala-alang ito. Dahil sa itoy hindi na atin. Hindi na pala natin ito pwedeng  dalhin sa kabilang buhay.

Nagtagal ako at nagmasid sa kapaligiran. Ngunit hindi ako pinapaalis kung san ako nakatayo. Sinabi nya sa akin. “Alam mo bang sa yugtong ito ay pwede ka mag-desisyon?” hindi ako umimik dahil kung magsalita ako may kasama itong tanong.

Ipinakita niya lahat nang hirap at pait sa aking buhay. Lahat nang itoy parang totoong anduon ako sa bawat eksina na bumabalik. Sakit at hapdi ang mga nararamdaman ko. Ito ay ang mga ala-alang pinilit kong kalimutan. Bumigat ang loob ko at akoy napaluhod at umiiyak pagkatapos sa nakita ko.
“Mabuting huwag ka ng magsalita. Pilitin mong huwag magtanong. Sabi ng lalaki.”

Ipinakita nya sa akin ang isang liwanag. Isang ala-ala na hindi niya ipinakita. Tinitigan ko ito. Ngunit alam niya nga interesado ako nito. “Alam ko, ang ala-alang ito ay ang pinakamahalaga sa iyo. Pero hinding-hindi mo pwede itong silipin. Sabi niya.”

Gusto mo bang bumalik para malaman ang laman nang ala-alang ito? O dumito ka na lang habang buhay. Walang ibang alalahanin at kaya mong gawin lahat ng gusto mo. Hinding-hindi ka na mahihirapan at hinding-hindi mo na mararanasan lahat ng pait nararanasan mo sa mundo. Pero ang kapalit ay lahat ng mga ala-ala mo.

Pait, hirap, sakit, kahihiyan at kung ano pang nadarama ko sa mga pinakita niyang ala-ala sa akin. Lahat nang ito ay poro negatibo. Gusto niya akong panghinaan nang loob para lang mapasakanya ang natitirang kayamanan ko sa mundo.

Hindi ako umimik dahil wala talaga akong  naaalala kahit na isang pakiramdam. Sa mundong iyon ay wala akong nararamdaman ni lungkot o kasiyahan. Makararamdam lang ako sa tuwing ipapakita niya sa akin ang mga ala-alang hindi ko alam kung itoy sa akin ba. Marami akong mga tanong ngunit hindi ko maisip-isip. Dahil wala akong naaalala kahit isa. Hindi ko alam kong akoy nanaghinip o totoo ba ang nakikita ko.

Lumapit ang lalaki sa akin na tela ay alam niyang iniisip ko. Sinasabi niyang may kulang pa sa akin bago pitasin. Hindi pa daw ako hinog at marami pa akong gustong matutunan. Hindi pa daw ako pwedeng husgahan dahil sa ako ay kulang pa ang nadaranasan. Iniabot niya sa akin ang isang liwanag na kanina nyang ipinakita. Sa pag-abot ko isang pakiramdam ang aking nadarama isang ala-ala na gusto kung maaasam. Lahat ay naalala ko na. Isang hiwaga na parang nabuhay ang loob ko. Sa sarap hanggang sa pinakamapait ay andun na.

Nakita ko sa liwanag na iyon ang mahal ko sa buhay, mga kaibigan, mga nasaktan, mga nagging nakaaway at mga taong nagpapasakit sa akin. Lahat ay kompleto, walang labis at walang kulang. Doon ko nakita kung san mahirap mabuhay sa komplekadong mundo.

“May hiling ka ba? Sabi ng lalaki.” Meron po akong isang tanong. Ang sabi ko.
“Alam mo ang kabayaran sa tuwing magtanong ka. Sabi nya.” Opo… ang sagot ko. Bago ako nagtanong ay inisip ko muna ng mabuti ito.
“Pwede mo ba ipakita ang kapalaran ni ******************* para baunin ko ito sa mundo? Ang tanong ko.”

“Ganyan ba talaga ka halaga ang taong ito sa iyo, kapalit sa isang kabayaran?” Ang tanong ng lalaki. “Ang masasabi ko lang sa iyo sa ngayon pa lang. hindi siya karapat dapat sa isang kabayaran inaaalay mo. Pero nasa iyo ang desisyon”. Ang tuldok nya. Opo, ganon siya kahalaga sa akin, at kung kabayaran man ay katumbas, malugod ko pong iaaalay.

“Pasensya ngunit hindi ko pwede ito ipakita, pero ipapasilip ko sa iyo ang isang mahalagang bagay na magaganap sa kanya. Para hindi masayang naman ang iyong kabayaran sa kapalit ng isang tanong.

Habang ipinasilip niya sa akin ang parte ng buhay. Bigla nalang ako itunulak ng lalaki sa lungga na madilim. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Pero sa panahon na iyon takot lang ang naramdaman ko. Bumalik ako sa madilim kung saan ko nakikita mga liwanag nang ala-ala. ang mga ito ay nagsisilbing unan na nagsasalo sa akin. Na parang ako’y nagigising sa isang bangungot. At kada gising ko ay nahuhulog nanaman ako. Paulit-ulit ito na parang nagigising ka sa bawat bangungot. Parang natutulog ako bawat panaghinip. At ito ang bangungot na gumigising sa akin….

Hanggang nagising na lang ako na parang hindi ko alam kung ano ang nangyari. Mabigat ang ulo ko at hirap sa paghinga. Hidi ko maalala kung ano talaga ang nangyari…
Ang una ko ngang naitanong.. “Saan na ako?”


Halos ilang araw na bago nanumbalik lahat nang nakita ko sa isang bangungot.



Ang masasabi ko lang, Totoo pala… Makikita mo na lang sa paligid mo ang mga ngiti nila na parang alam nila ang nangyari sa iyo. Sila ang mga taong nakaranas din nito. Mga ngiti nang may isang sekreto tinatago, sa iilan lang ang nakakaalam, sa mga swerteng taong nakapunta na sa isang bangungot ng iba. Pero isang magandang panaghinip pala…

No comments:

Post a Comment